Pinaplano mo na ba ang susunod na bakasyon ng iyong pamilya?

Kung hinahanap mo ang perpektong lugar para ma-enjoy ang mga nakakaaliw na aktibidad na patok sa panlasa ng mga bata at kahit na ng mga nakakatanda, wala nang hihigit pa sa Legoland Malaysia!

Malapit lang ang Legoland Malaysia mula sa Singapore, tinatayang 50 minutong biyahe lang mula sa Second Link Expressway.

Mahalaga ang pagpili ng paraan ng pagbibiyahe dahil talagang magiging masaya ang karanasan ninyo sa kabuuan ng paglalakbay kung kumportable kayo sa biyahe.

Kung nag-aalala kayo sa transportasyon, huwag nang mamroblema! Kami ang bahala sa inyo!

Ito ang aming kompletong gabay sa mga pagpipiliang transportasyon mula Singapore papuntang LEGOLAND Malaysia.

Paalala: Ipinapalagay sa gabay na ito na nasa Singapore Changi Airport kayo o saanman sa Singapore at nais ninyong magpunta sa Legoland Malaysia mula sa Singapore. Hindi kabilang dito ang instruksiyon kung paano pumunta sa Legoland Malaysia mula sa Pilipinas.

1. Paano Magputa Sa LEGOLAND Malaysia Mula Singapore

1.1: Pribadong Sasakyan Mula Sa Singapore Papuntang Legoland Malaysia (Nangungunang Opsiyon at Tunay na Rekomendado!)

Nagbibigay ang SGMYTAXI ng serbisyo sa pribadong sasakyan mula Singapore papuntang Legoland Malaysia at Legoland Malaysia papuntang Singapore sa murang halaga.

Ito ay maaasahan at mapagkakatiwalaang serbisyo sa pribadong sasakyan na nakakatanggap ng napakagagandang mga rebyu mula sa kanilang mga kostumer.

Pribadong Sasakyan Mula Sa Singapore Papuntang Legoland Malaysia

Bakit Ang Pribadong Sasakyan Ng SGMYTAXI:

  • Pinakamabilis na biyahe sa pinakamababang halaga
  • Ihahatid ka mula sa tirahan mo sa Singapore papunta sa LEGOLAND Malaysia sa loob ng 45 – 90 minuto (depende sa kondisyon ng trapiko)
  • Sa bahaging Second Link / Tuas ang ruta, kung saan mas kaunti ang trapiko at higit na malapit sa LEGOLAND Malaysia
  • Puwede ang online booking at para sa anumang katanungan, kontakin sila sa pamamagitan ng WhatsApp o Facebook Messenger
  • Magandang opsiyon ito dahil hindi mo na kailangang umakyat at bumaba ng sasakyan kapag nasa mga border (Woodlands Checkpoint, Second Link) dahil dire-diretso lang ang sasakyan, ipapasa ang pasaporte mo sa bantay ng checkpoint para sa mabilis na pag-stamp
  • Makakapagrelaks ka sa sasakyan nang hindi nangangambang maipit sa trapiko
  • Alam na alam ng mga drayber nila ang mga daan sa Singapore at Johor
  • Nasa oras at maaasahan ang mga drayber nila
  • Ikaw ang mamimili ng oras at detinasyon para sa pagsundo sa Singapore at paghatid sa Johor, at ganoon din pagbalik
  • Ang kaligtasan ninyo ang numero unong priyoridad, tinitiyak namin ito
  • Ang mga sasakyan ay masinsing sinisiyasat, mine-maintain, at pinananatiling nasa magandang kondisyon
  • Huwag alalahanin ang espasyo para sa bagahe, maluwang ang sasakyan
  • Kung higit 5 ang bibiyahe, mas mura ito kaysa sa kung magbubus kayo
  • May serbisyo sa pribadong sasakyan din mula Sentosa papuntang Legoland Malaysia

Bakit Hindi Ang Pribadong Sasakyan Ng SGMYTAXI:
Mas mahal ang presyo kumpara sa opsiyon na bus kung 3 o mas kaunting pasahero ang bibiyahe.

Presyo Kada Sasakyan:
SGD$100 – SGD$150 kada biyahe (hanggang 10 pasahero)

Rekomendado Para Sa:
Mga pamilyang may kasamang maliliit na bata at/o matatanda; sa mga nagnanais na masulit ang kanilang oras sa LEGOLAND Parks at makatipid nang malaki.

Uri ng Sasakyan:

SGMYTAXI Private Car

SGMYTAXI Private Car (Toyota Innova)Toyota Innova (6 na pasahero)

SGMYTAXI Private Car (Toyota Alphard)Toyota Alphard (6-7 pasahero)

SGMYTAXI Private Car (Hyundai Starex)Hyundai Starex (10 pasahero)

Paano Magreserba Ng Pribadong Sasakyan Ng SGMYTAXI:

Opsiyon 1: Magpunta sa www.sgmytaxi.com . I-click ito ->”Booking” o i-click ito sa itaas ng page.

Puwede kang mamili sa 3 sasakyan na kasya ang 10 pasahero:

  • Toyota Innova sa halagang SGD$90 (isang direksiyon)
  • Toyota Alphard o Hyundai Starex sa halagang SGD$140 (isang direksiyon)

May karagdagang SGD$ 10 para sa bayad sa toll. Ang biyahe ay sa lahat ng araw, kasama na ang mga Pampublikong Pista, at puwede ang bagahe (walang dagdag na bayad) o magpareserba ng higit sa isang sasakyan para sa 8 o higit pang pasahero.

Opsiyon 2: Kontakin kami sa Whatsapp sa +6010-577 5589 para sa sasakyan mula Singapore papuntang Legoland Malaysia. I-click ang link kung naghahanap ka ng Promo sa Tiket sa Legoland Malaysia!

Masasayang Kostumer ng SGMYTAXI

Masasayang Kostumer ng SGMYTAXI 2
Masasayang Kostumer ng SGMYTAXI 5
Masasayang Kostumer ng SGMYTAXI 13
Masasayang Kostumer ng SGMYTAXI 17
Masasayang Kostumer ng SGMYTAXI 20
Masasayang Kostumer ng SGMYTAXI 23
Masasayang Kostumer ng SGMYTAXI 33
Masasayang Kostumer ng SGMYTAXI 35
Masasayang Kostumer ng SGMYTAXI 39

Mas Marami pang Rebyu ng mga Kostumer…

Serbisyo Sa Pribadong Sasakyan Mula Singapore Papuntang Legoland Malaysia >>> Ireserba Na Ang Biyahe Ko Ngayon!
Mga Tip at Feedback
Ito talaga ang pinakamagandang paraan ng transportasyon mula sa anumang lokasyon sa Singapore papuntang Legoland na hindi ka mapapagod sa biyahe.

Iba pang usapin ang pribilehiyo na makukuha mo habang bumibiyahe ang sasakyan at tinatawid ang mga border. Ang mga drayber na kasi ang bahalang mag-asikaso sa pasaporte mo at maging sa toll at gasolina – papawiin namin ang lahat ng alalahanin mo.

Ang kaligtasan ang isa sa mga bagay na pinahahalagahan ng SGMYTAXI. Tinitiyak na ligtas at malayo sa peligro ang mga pasahero habang nasa sasakyan namin.

1.2: Bus Mula Singapore Papuntang Legoland Malaysia

Kung sasakay ka ng pampublikong bus mula Singapore papuntang Legoland Malaysia, mauubos ang oras mo at hindi ka makakarating sa Legoland Malaysia sa umaga.

Bakit Pampublikong Bus
Hindi na kailangang magpareserba. Ang matingkad na dilaw na mga bus ng Causeway Express ay umaalis mula sa 7 istasyon sa Singapore.

Bakit Hindi Pampublikong Bus

  • Potensiyal na problema sa pagsakay – kailangan mong tiyakin ang numero ng bus bago sumakay
  • Napakahabang paghihintay
  • Makakasabay mo ang mga di-kalalang pasahero
  • Sa pinakaabalang oras, napupuno ang bus at makikipagsiksikan ka na parang nasa loob ka ng lata ng sardinas
  • Kailagang itago ang mga tiket ng bus para makasakay sa ibang bus
  • Kung minsan, nababangga ka ng ibang tao kapag tumatakbo o nagmamadali sila
  • Puwede kang magkaroon ng katabi na sobrang ingay o may mabahong amoy
  • Dalawag beses kang bababa ng bus dala ang lahat ng bagahe mo sa parehong checkpoint ng customs ng Singapore at Malaysia, na kadalasan ay mahaba ang pila, para mapa-stamp ang pasaporte mo
  • Sa panahon ng bakasyon, posibleng maipit ka sa imigrasyon sa loob ng 2-3 oras

Presyo ng Tiket ng Pampublikong Bus:
Tinatayang SGD$6 kada pasahero, kada direksiyon.

Rekomendado Sa:
Mga nasa gulang o mga pamilyang nagtitipid at may kasamang malalaki nang bata.

Ruta ng Bus 1: Paano Magpunta Sa Legoland Malaysia Mula Singapore Sa Pamamagitan Ng Pampublikong Bus (lilipat ng sakay sa CIQ Interlink, Malaysia)

Mula sa Jurong East Bus Exchange:

  • Sumakay ng Causeway Link Bus CW3 (SGD$4) o Causeway Link Bus CW4 (SGD$4 + RM4.20) sa tapat ng Tuas Checkpoint.
  • Bumaba sa susunod na hintuan, sa CIQ Interlink.
Iskedyul ng Causeway Link Bus:Iskedyul ng Causeway Link Bus CW4:
Lunes hanggang Biyernes: 7:10am – 11:45pm (umaalis ang bus bawat 10-30 minuto)
Sabado hanggang Linggo: 7:30am – 11:45pm (umaalis ang bus bawat 10-30 minuto)
Araw-araw: 7:30am – 7:20pm

Mula sa Boon Lay:

  • Sumakay ng Causeway Link Bus CW6 (SGD$4) sa tapat ng Tuas Checkpoint.
  • Bumaba sa susunod na hintuan, sa CIQ Interlink.
Iskedyul ng Causeway Link Bus CW6:
Lunes hanggang Biyernes: 7:35am – 10:45pm (umaalis ang bus bawat 10-25 minuto)
Sabado hanggang Linggo at Pampublikong Pista: 7:30am – 10:40pm (umaalis ang bus bawat 15-20 minuto)

Bumaba kapag nasa CIQ Interlink (Malaysia) ka na, at sumakay ng isa pang bus, JPO2 o SL1

  • Sumakay ng Causeway Link Bus JPO2 (RM6 / SGD$2) o Causeway Link Bus SL1 (RM2 / SGD$0.65) sa CIQ Interlink paputang Legoland Malaysia.
  • Ang Legoland Malaysia ang UNANG hintuan.
Iskedyul ng Causeway Link Bus JPO2:Iskedyul ng Causeway Link Bus SL1:
Lunes hanggang Biyernes 8:30am, 11:30am, 2:30pm & 5:30pm (umaalis ang bus bawat TATLONG oras)Sabado, Linggo, at Pampublikong Pista sa Singapore: 9:00am, 10:30am, 12:00pm, 1:30pm, 3:00pm, 4:30pm, 6:00pm, 7:30pm (umaalis ang bus bawat 90 minuto)

Ruta ng Bus 2: Paano Magpunta Sa Legoland Malaysia Mula Singapore Sa Pamamagitan Ng Pampublikong Bus (lilipat ng sakay sa JB Sentral)

Hakbang 1: sumakay ng bus mula sa anumang lokasyon sa ibaba:

  • Kranji MRT: SBS Bus 170XCauseway Link Bus CW1
  • Woodlands Temporary Bus Interchange: SMRT Bus 950
  • Jurong East Interchange: SBS Bus 160
  • Newton Circus: Causeway Link Bus CW5
  • Queen Street Bus Terminal: SBS Bus 170 or Causeway Link Bus CW2
  • Singapore Changi Airport: Transtar Bus TS1

Para sa dagdag na detalye sa pampublikong bus mula Singapore papuntang JB Sentral, i-click ito: Paano Pumunta sa JB Sentral Mula Singapore

Hakbang 2: Kapag nasa JB Sentral ka na, bumili ng (JB Sentral papuntang Legoland) tiket para sa Causeway Link Bus LM1 (RM 5.40 / SGD$2.11).

Iskedyul ng Causeway Link Bus LM1:
Lunes hanggang Huwebes: 8:00am, 9:30am, 11:00am, 12:30pm, 2:00pm, 3:30pm, 5:00pm, 6:30pm. (umaalis ang bus bawat 90 minuto)
Biyernes hanggang Linggo at Pampublikong Pista sa Singapore: 8:00am hanggang 7:00pm (umaalis ang bus bawat 1 oras)

Aabutin ng 1 oras mula JB Sentral papuntang LEGOLAND Malaysia. Kontak ng Causeway Link:  +607-360 2244.

Mga Tip at Feedback
Hindi ito magandang opsiyon dahil gagastos ka ng SGD$24 sa tiket ng bus bawat direksiyon sa pamilya ng apat. Kung aalis kayo nang 8:00am Lunes hanggang Bityernes, baka halos tanghaling tapat na kayong makarating sa LEGOLAND.

Mapapagod ang maliliit na bata sa biyahe at hindi ninyo gugustuhing maging iritable ang mga ito sa Dragon Coaster.   Pinapayuhang umalis nang maaga hanggang maaari o kapag papagabi na para sa garantisadong upuan sa mga bus sa bahaging Malaysia.

Kung pabalik kayo sa pamamagitan ng Woodlands, aabutin ng 1 hanggang 2 oras ang biyahe sa bahaging Malaysia (hindi kasama sa bilang ang 30-60 dagdag na minutong kakainin ng pagbaba ng bus at pagdaan sa dalawang checkpoint ng customs).

1.3: Tren + Bus/Lokal Na Taxi Mula Singapore Papuntang Legoland Malaysia

Bakit Tren:

Mura

Bakit Hindi Tren:

  • Hindi direktang serbisyo sa paglipat
  • Limitado ang ibinebentang tiket ng tren
  • Kapag hindi mo naabutan ang tren, maghihintay ka ng ilang oras para sa susunod na biyahe
  • Kailangang maklaro ng customs

Rekomendado Sa:

Mga nasa gulang o grupo ng magkakaibigan na nagtitipid

Ito Ang Mga Hakbang:

1. Magpunta sa hintuan ng bus sa tapat ng Marsiling MRT Station.

2. Sumakay ng bus 856.

3. Bumaba kapag huminto ang bus sa hintuan ng bus sa Woodlands Centre Road.

4. Magpunta sa Woodlands Train Checkpoint at bumili ng tiket sa kanilang counter. Asikasuhin din ang iyong imigrasyon dito.

5. Magpunta sa hintayan at sumakay ng tren na maghahatid sa iyo sa JB Sentral.

6. Bumaba ng tren at kailangang maklaro ng customs.

7. Sa JB Sentral, sumakay ng bus LM1 papuntang Legoland Malaysia. O, sumakay ng anumang lokal na taxi papuntang Legoland Malaysia.

Tandaan:

Maagang nauubos ang mga tiket sa mga pinakaabalang panahon. Para maisawan ang sakit ng ulo, puwede nang mag-book sa www.ktmb.com.my/.

Iskedyul ng Tren (Shuttle Tebrau)

  • Oras ng pag-alis mula sa Woodlands Train Checkpoint papuntang JB Sentral:

7:20am, 8:30am, 9:40am, 10:50am, 12:20pm, 1:50pm, 3:20pm, 4:30pm, 5:40pm, 6:50pm, 8:00pm, 9:10pm, 10:20pm at 11:30pm

  • Oras ng pag-alis mula sa JB Sentral papuntang Woodlands Train Checkpoint:

5:00am, 5:25am, 5:55am, 6:20am, 7:30am, 8:40am, 9:50am, 11:20am, 12:50pm, 2:20pm, 3:30pm, 4:40pm, 5:50pm, 7:00pm, 8:10pm, 9:20pm at 10:30pm

Presyo ng Tiket ng Tren:

  • Mula Woodlands CIQ papuntang JB Sentral: SGD$5 kada direksiyon
  • Mula JB Sentral papuntang Woodlands CIQ: RM5 kada direksiyon

Iskedyul ng Bus mula JB Sentral papuntang Legoland Malaysia

Bus No. LM1

  • Lunes hanggang Huwebes: 8:00am, 9:30am, 11:00am, 12:30pm, 2:00pm, 3:30pm, 5:00pm, 6:30pm. (umaalis ang bus bawat 90 minuto)
  • Biyernes hanggang Linggo at Pampublikong Pista sa Singapore: 8:00am to 7:00pm (umaalis ang bus bawat 1 oras)

Presyo ng Tiket ng Bus:

Mula JB Sentral papuntang Legoland Malaysia: RM5.40

Mga Tip at Feedback
• LIBRE sa tren ang mga batang 4 na taon pababa.
• Ipakita ang iyong pasaporte sa counter kapag bumibili ng tiket.
Laging tandaan na hanggang sa JB Sentral lang ang mararating mo kapag nagtren ka. Napakalaking abala nito dahil ikaw ang mismong mag-aasikaso sa lahat ng transportasyon.

Kailangan mong planuhin kung paano pupunta sa Marsiling MRT station, paano mag-book ng mga tiket, at tingnan ang mga iskedyul ng mga tren at bus.

2. Paano Magpunta Sa LEGOLAND Malaysia Mula Singapore Changi Airport

Maraming pamimiliang paraan at bawat paraan ay may kainaman at kahinaan. Maaari kang mamili mula sa mga sumusunod:

2.1:  Pribadong Taxi Mula Singapore Changi Airport papuntang Legoland Malaysia

Nagbibigay ang SGMYTAXI ng serbisyo sa pribadong sasakyan mula Singapore Changi International Airport nang direktang biyahe papuntang Legoland Malaysia.

Pribadong Sasakyan Mula Sa Singapore Papuntang Legoland Malaysia
  • Sa aming serbisyo, susunduin ka ng palakaibigan at hasang mga drayber namin sa Changi Airport sa oras na itatakda mo at ihahatid ka nila sa Legoland Malaysia.
  • Ang pinakamagandang opsiyon sa pribadong transportasyon – Abot-kaya, Mahusay ang Serbisyo, at Ligtas.
  • Huwag mong isasakripisyo ang ginhawa o kaalwanan ng iyong pamilya kapag nagpaplano ka ng biyahe mula Singapore Changi Airport Papuntang Legoland Malaysia.
  • Mag-book ng Pribadong Sasakyan ng SGMYTAXI ngayon at hayaan mong asikasuhin namin kayo – nang hindi inaalala ang gastos.
  • Madali lang at user-friendly ang proseso ng pag-book na walang nakakubli o dagdag na gastos.

Magpa-quote o mag-book na sa amin ngayon para ma-enjoy ang pinakaabot-kaya at pinakamagandang serbisyo!

Pribadong Sasakyan ng SGMYTAXI

SGMYTAXI Private Car (Toyota Innova)Toyota Innova (6 na pasahero)

SGMYTAXI Private Car (Toyota Alphard)Toyota Alphard (6-7 pasahero)

SGMYTAXI Private Car (Hyundai Starex)Hyundai Starex (10 pasahero)

Masasayang Kostumer ng SGMYTAXI

Masasayang Kostumer ng SGMYTAXI 2
Masasayang Kostumer ng SGMYTAXI 5
Masasayang Kostumer ng SGMYTAXI 13
Masasayang Kostumer ng SGMYTAXI 17
Masasayang Kostumer ng SGMYTAXI 20
Masasayang Kostumer ng SGMYTAXI 23
Masasayang Kostumer ng SGMYTAXI 33
Masasayang Kostumer ng SGMYTAXI 35
Masasayang Kostumer ng SGMYTAXI 39

Mas Marami pang Rebyu ng mga Kostumer…

Mga Tip at Feedback
Sa ngayon, ito ang pinakamaginhawa at pinakamabilis na paraan papuntang Legoland Malaysia mula Singapore.

Kailangan mo lang magreserba ng serbisyo ng SGMYTAXI dito, kunin ang kumpirmasyon, at i-enjoy ang biyahe.

Maghihintay ang kanilang hasa at propesyonal na mga drayber sa bandang arrivals ng Changi Airport, sa pintong pinakamalapit sa hintayan ng iyong bagahe habang may hawak na plakard na may pangalan mo.

2.2:  Bus Mula Singapore Changi Airport paputang Legoland Malaysia

Sa kasamaang palad, walang direktang bus na nakaiskedyul mula Singapore Changi Airport Papuntang Legoland Malaysia.

Kaya kailangan mong magpunta muna sa imigrasyon ng Singapore-Johor at sumakay ng isa pang bus papunta sa Legoland Malaysia. Kung interesado ka sa opsiyon na ito, nasa ibaba ang listahan ng mga kompanya ng bus na maaari mong pagpilian.

Opsiyon 1: Bus Mula Singapore Changi Airport Papuntang Legoland Sa Pamamagitan Ng JB Sentral

Hakbang 1: Sumakay sa Transtar Border, ang natatanging kompanya ng bus dito, mula Singapore Changi Airport papunta JB Sentral.

Bus No.: TS 1

Tiket ng Bus: SGD$9

Iskedyul ng Bus: Mula 8:15am – 11:15pm (bawat 1-2 oras)

Hakbang 2: Kapag nasa sentro ng imigrasyon ng Johor /JB Sentral ka na, sumakay ng bus ng Causeway Link na nakaiskedyul papuntang Legoland.

Bus No.: LM1

Tiket ng Bus: MYR5.40

Iskedyul ng Bus:

Lunes hanggang Huwebes: 8:30am – 6:30pm (bawat 90 minuto)

Biyernes hanggang Linggo at Pampublikong Pista: 8:00am – 7:00pm (bawat 1 oras)

Opsiyon 2: Bus Mula Singapore Changi Airport Papuntang Legoland Sa Pamamagitan Ng Tuas 2nd Link

Hakbang 1: Walang bus mula Singapore Changi Airport papuntang Tuas 2nd Link.

Walang direktang bus mula sa paliparan papunta sa checkpoint ng Tuas, pero puwede kang sumakay ng tren (MRT) o taxi mula sa Changi Airport papuntang Jurong East Bus Interchange o Boon Lay MRT sa Singapore, at mula doon, sumakay ng bus papuntang CIQ.

Madaling makarating sa Jurong East at Boon Lay station.Tingnan lang ang mapa ng tren at sumakay sa tamang linya ng tren. Kapag nakarating ka na sa iyong destinasyon, tingnan ang mga bus sa ibaba na maghahatid sa iyo sa Tuas 2nd link.

Bus Mula Singapore Changi Airport Papuntang Legoland Sa Pamamagitan Ng Tuas 2nd Link

Alight at Jurong East Bus Interchange

Bus No.CW3CW4SCW4
Tiket ng BusSGD$4SGD$4SGD$4
Iskedyul ng Bus7:10am – 11:45pmLun-Sab at Pampublikong Pista sa Singapore: 4:40pm – 9:00pm
Linggo at Pampublikong Pista sa Malaysia: 7:30am – 9:50pm
7:30am – 7:20pm

Bumaba sa Boon Lay Bus Stop (malapit sa Boon Lay MRT)

1. Bus No.:  CW6

Tiket ng Bus: SGD$4

Iskedyul ng Bus:

Mula 7:35am – 10:45pm (Lunes hanggang Biyernes)

Mula 7:30am – 10:40pm (Sabado, Linggo at Pampublikong Pista)

Hakbang 2: May  opsiyon ng bus mula Tuas 2nd Link papuntang Legoland tulad ng makikita sa ibaba:

1. Bus No.:  JPO2

Tiket ng Bus: MYR6

Iskedyul ng Bus: Mula 8:30am – 5:30pm

2. Bus No.: SL1

Tiket ng Bus: MYR2

Iskedyul ng Bus: Mula 9:00am – 7:30pm (bawat1 -2 oras)

Mga Tip at Feedback
Ito ang pinakamurang paraan, kaya ito ang pinakakaakit-akit para sa mga bagong bisita at turista.

May mga kahinaan ito, tulad ng mga isyung kaugnay sa kaginhawaan at kaalwanan ng biyahe – halimbawa, kailangan mong alamin ang tamang bus at istasyon at hintuan ng mga ito, kung hindi, malaking oras ang maaaksaya sa iyong biyahe.

Kongklusyon

Ang pribadong sasakyan ng SGMYTAXI ang pinakamaganda at rekomendadong opsiyon sa transportasyon papuntang Legoland Malaysia mula Singapore.

Saanman, may mga salik na kailangan mong isaalang-alang bago piliin ang tamang transportasyon papunta sa Legoland Malaysia mula Singapore:

a.) Oras/gastos ng pagsakay at pagbaba ng bus sa hintuan o babaan mula sa iyong tirahan (at ang sakit ng ulo kaugnay sa pagbuhat ng mga bag);

b.) Oras na naaaksaya sa pagsakay at pagbaba sa mga border ng Singapore at Malaysia (tandaan, dala-dala mo ang mga bag mo saan ka man magpunta!); o

c.) Napakalaking gastos sa dagdag na taxi, dagdag no oras sa paghihintay, at marami pa.

Sa totoo lang, mas gugustuhin naming ipambili ng cotton candy ang pera at igugol ang oras sa pagsasaya sa LEGOLAND Wave Pool.

Umaasa kami na makatutulong sa iyo ang rebyung ito ng mga opsiyon sa transportasyon mula Singapore papuntang LEGOLAND Malaysia.

Patuloy naming ia-update ang page na ito para sa mga bagong paraan ng pagpunta roon, at iba pang mahahalagang bagay. Salamat sa pagbasa!